Thursday, 29 November 2018

MAHIWAGANG SRNHS

 
 
       Edukasyon ang yamang di nananakaw ninuman. Katumbas ng may kalidad na edukasyon at ang isang may kalidad na paaralan. Sta. Rosa National High School, isang paaralang may kalidad na gumagabay sa mga estudyante tungo sa magandang kinabukasan. Matatagpuan ito sa Barangay 10, Sarrat, Ilocos Norte.
        Biyaya na kung ituring ang mga alok nitong programa sa mga estudyante nito, gaya ng SSC, SPS, OHBP,SHS, mga interest clubs at iba pa. Dahil sa mga programang ito, nailalabas ng mga talentadong estudyante ang angkin nilang talino at galing sa mga iba't ibang larangan. Nag-uuwi sila ng gantimpala at dahil na rin sa mga matatalino't magagaling na guro rito. Hindi rin maitatanggi ang mga kaayusan, disiplina at kalinisan dito. Naiuwi na kumbaga ang parangal na pinakamalinis ang paaralang ito sa probinsyang Ilocos Norte. At pumapangalawa naman sa buong rehiyon nakakamangha at naituringan nang pagmamalaki ito.
       Dito sa SRNHS, kakaiba ang mga naging karanasan ko. Karanasang hindi ko malilimutan na panghabang buhay na nakatatak sa aking isipan. Sa eskwelahang ito naranasan ko lahat-lahat ng hindi ko naranasan noong ako'y bata pa. Naranasan ko kung paano ang mabully o ang mangbully. Naranasan ko ang humanga sa iba. Naranasan ko ang magkaroon ng mga kaibigan. Naranasan ko ang maging Korean lover. Marami na rin akong naging crush. At syempre naranasan ko ang magkaroon ng mga mabubuting guro at maayos na paaralan.
      Oo, lahat ng sinabi ko ay tama. Naranasan kong mangbully o mabully kahit na ako'y dalagita na, 'di pa rin maikakaila na ako'y nangbubully o binubully. Naranasan kong humanga sa iba at nagkacrush dahil sa aking edad, normal lang ang humanga pero ako'y kakaiba kung humanga dahil paiba-iba. Dahil sa SRNHS, maraming gwapo't maganda, mababait, at matatalinong estudyante. Naranasan ko ring magkaroon ng mga kaibigan kahit na nagkakatampuhan kami minsan, sa huli nagkakasundo-sundo pa rin kami dahil para sa amin may forever. Naranasan ko na ring sumali sa mga iba't ibang patimpalak sa natunang paaralan at kung minsa'y ako'y natatalo bagama't iyon ang nagsisilbing lakas ng loob sa akin upang magpatuloy pa rin. At huli, naranasan kong magkaroon ng mga mabubuti at matatalinong mga guro. Mga pangalawa naming mga magulang na gumagabay sa amin para marating ang lahat ng aming mga pangarap.
      Ngayon, na ako'y nasa ika-8 na baitang na, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga karanasan na para bang ika'y isang bangka na patuloy ang pagpapaagos sa tubig upang marating ang kinaroroonan at ang pinakainasam-asam na tagumpay.